Wednesday, June 13, 2018

El Filibusterismo

Buod

Simoun

Nagsimula ito sa isang paglalakbay ng bapor sa pagitan ng Maynila at Laguna. Kabilang sa mga pasahero ang mag-aalahas na si Simoun, si Isagani, at si Basilio. Labintatlong taon na ang nakalipas mula nang mamatay si Elias at si Sisa.
Nakarating si Basilio sa San Diego at sa isang makasaysayang pagtatagpo ay nakita niya si Simoun na pagdalaw sa libingan ng kanyang ina sa loob ng libingan ng mga Ibarra. Nakilala niyang si Simoun ay si Ibarra na nagbabalatkayo; Upang maitago ang ganitong lihim, ay tinangka ni Simoun na patayin si Basilio. Nang hindi ito naituloy ay hinikayat niya ang binata na makiisa sa kanyang layuning maghiganti sa Pamahalaang Kastila. Si Basilio ay tumanggi dahil gusto niyang matapos ang kanyang pag-aaral.
Habang ang Kapitan Heneral ay nagliliwaliw sa Los BaƱos, ang mga estudyanteng Pilipino ay naghain ng isang kahilingan sa Kanya upang magtatag ng isang Akademya ng Wikang Kastila. Ang kahilingang ito ay di napagtibay sapagka't napag-alamang ang mamamahala sa akademyang ito ay mga prayle. Sa gayon, sila'y di magkakaroon ng karapatang makapangyari sa anupamang pamalakad ng nasabing akademya.
Samantala, si Simuon ay nakipagkita kay Basilio at muling hinikayat ang binatang umanib sa binabalak niyang paghihimagsik at mangulo sa isang pulutong na sapilitang magbubukas sa kumbento ng Sta. Clara upang agawin si Maria Clara. Subali't hindi naibunsod ang ganitong gawain dahil sa si Maria Clara'y namatay na nang hapong yaon.
Ang mga estudyante naman, upang makapaglubag ang kanilang sama ng loob ukol sa kabiguang natamo, ay nagdaos ng isang salu-salo sa Panciteria Macanista de Buen Gusto. Sa mga talumpating binigkas habang sila'y nagsisikain ay tahasang tinuligsa nila ang mga prayle. Ang pagtuligsang ito ay nalaman ng mga Prayle kaya ganito ang nangyari: Kinabukasan ay natagpuan na lamang sa mga pinto ng unibersidad ang mga paskin na ang nilalaman ay mga pagbabala, pagtuligsa, at paghihimagsik. Ang pagdidikit ng mga pasking ito ay ibinintang sa mga kasapi ng kapisanan ng mga estudyante. Dahil dito ay ipinadakip sila at naparamay si Basilio, bagay na ipinagdamdam nang malabis ni Juli na kanyang kasintahan.

Maria Clara
Ang mga estudyanteng ito ay may mga kamag-anak na lumakad sa kanila upang mapawalang-sala sila, si Basilio ay naiwang nakakulong dahil wala siyang tagapagmagitan. Sa isang dako naman ay ipinamanhik ni Juli kay Pari Camorra na tulungan siya upang mapalaya nguni't sa halip na makatulong ang paring ito ay siya pang nagging dahilan ng pagkamatay ni Juli, gawa ng pagkalundag nito sa durungawan ng kumbento.
Upang maisagawa ni Simoun ang kanyang balak na paghihiganti, ay nakipagsama siya sa negosyo kay Don Timoteo Pelaez, ang ama ni Juanito. Sa ganitong paraan ay nagawa niyang maipagkasundo ang kasal nina Juanito at Paulita Gomez. Ang magiging ninong sa kasal ay ang Kapitan Heneral. Naanyayahan din niya upang dumalo sa piging na idaraos, ang mga may matatas na katungkulan sa Pamahalaan at mga litaw na tao sa lunsod.
Pagkaraan ng dalawang buwang pagkapiit ay nakalaya rin si Basilio sa tulong ni Simoun. Kaagad siyang nagtungo kay Simoun upang umanib sa paghihimagsik. Sinamantala ni Simoun ang ganitong pagkakataon upang ipakita sa binata ang bomba na kanyang ginawa. Ito ay isang lampara na may hugis Granada at kasinalaki ng ulo ng tao. Ang magarang ilawang ito ay siya niyang handog sa mga ikakasal na sina Juanito at Paulita. Ipalalagay ni Simoun ang lamparang ito sa gitna ng isang kiyoskong kakanan na ipasasadya niya ang pagkakayari. Ang ilawan ay ay magbibigay ng isang maningning na liwanag at pagkaraan ng dalawampung minuto ay manlalabo. Kapag hinagad na itaas ang mitsa upang paliwanagin, ay puputok ang isang kapsulang fulminato de mercurio, ang Granada ay sasabog at kasabay nito ay ang pagkawasak at pagkatugnaw ng kiyoskong kakanan --- at walang sinumang maliligtas sa mga naroroon. Sa isang dako naman, ay malakas na pagsabog ng dinamita sa lampara ay siyang magiging hudyat upang simulan ang paghihimagsik na pangungunahan ni Simoun.
Mag-iikapito pa lamang ng gabi ng araw ng kasal, at si Basilio ay palakad-lakad sa tapat ng bahay ng pinagdarausan ng handaan. Di-kawasa'y nanaog si Simoun upang lisanin niya ang bahay na yaong di malulutawan ng pagsabog. Ang nanlulumong si Basilio ay sisinod sana nguni't namalas niyang dumatng si Isagani, ang naging katipan at iniirog ni Paulita. Pinagsabihan niya itong tumakas nguni't di siya pinansin kaya't napilitan si Basilio na ipagtapat kay Isagani ang lihim na pakana subali't hindi rin napatinag ang binatang ito.
"Nanlalamlam ang lampara," ang pansin na di mapalagay na Kapitan Heneral. "Utang na loob, ipakitaas ninyo, Pari Irene, ang mitsa."

Ang Lampara
Kinuha ni Isagani ang lampara, tumakbo sa azotea at inihagis ito sa ilog. Sa gayon ay nawalan ng bisa ang pakana ni Simoun para sa isang paghihimagsik sa sandatahan. Tumakas sya sa bahay ni Pari Florentino, sa baybayin ng karagatang Pasipiko. Nang malapit nang mapagabot ng mga alagad ng batas ang mag-aalahas,
uminom siya ng lason upang huwag pahuli nang buhay. Ipinagtapat niya sa pari ang tunay niyang pagkatao at isinalaysay niya sa dito ang malungkot na kasaysayan ng kanyang buhay. Mula nang siya ay bumalik sa Pilipinas buhat sa Europa, labintatlong taon na ang nakalipas, ang pag-iibigan nila ni Maria Clara at pagbabalatkayo niya na mag-aalahas sa pakay na maiguho ang Pamahalaan at makipaghiganti sa pamamagitan ng isang paghihimagsik. Pagkatapos na mangungumpisal ay namatay si Simoun.
Sa nais na maiwaksi ang napakalaking kayamanang naiwan ng mag-aalahas, kayamanang naging kasangkapan nito sa pagtatanim ng mga bukto't na Gawain ay itinapon ni Pari Florentino sa karagatan ang kahong asero na kinatataguan ng di-matatayang kayamanan ni Simoun.

Mga Tauhan

Ang nobelang "El Filibusterismo" ay isinulat ng ating magiting na bayaning si Dr. Jose Rizal na buong pusong inalay sa tatlong paring martir, na lalong kilala sa bansag na GOMBURZA - Gomez, Burgos, Zamora.

Tulad ng "Noli Me Tangere", ang may-akda ay dumanas ng hirap habang isinusulat ito. Sinimulan niyang isulat ito sa London, Inglatera noong 1890 at ang malaking bahagi nito ay naisulat niya sa Bruselas, Belgica. Natapos ang kanyang akda noong Marso 29, 1891. Isang Nagngangalang Valentin Viola na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag ang aklat noong Setyembre 22, 1891.       

Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ang bayan.
     
Mga Tauhan: 

Simoun
Ang mapagpanggap na mag-aalahas na nakasalaming may kulay

Isagani
Ang makatang kasintahan ni Paulita
 
Basilio
Ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli

Kabesang Tales
Ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay- ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle

Tandang Selo
Ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo

Ginoong Pasta
Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal

Ben-zayb
Ang mamamahayag sa pahayagan

Placido Penitente
Ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan

Padre Camorra
Ang mukhang artilyerong pari

Padre Fernandez
Ang paring Dominikong may malayang paninindigan

Padre Florentino
Ang amain ni Isagani

Don Custodio
Ang kilala sa tawag na Buena Tinta

Padre Irene
Ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila

Juanito Pelaez
Ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila

Makaraig
Ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.

Sandoval
Ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral

Donya Victorina
Ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita

Paulita Gomez
Kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez

Quiroga
Isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas

Juli
Anak ni Kabesang Tales at katipan naman ni Basilio

Hermana Bali
Naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra

Hermana Penchang
Ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli

Ginoong Leeds
Ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya

Imuthis
Ang mahiwagang ulo sa palabas ni G. Leeds


source: http://angelfilibusterismo.blogspot.com/p/el-filibusterismo.html

Florante at Laura (Buod ng bawat kabanata)

Florante at Laura (Buod ng bawat kabanata) 

2. Kabanata 1

Kay Selya Kapag naaalaala ng makata ang nakaraan, iisang babae ang binabalikan niya sa gunita, si Celia lamang. Matamis ang kanilang pag-iibigan at masaya sila habang namamasyal sa Ilog Beata at Hilom. Ngunt ngayo’y di mapigilan ng makata ang pagluha kapag naiisip na baka naagaw na ng iba ang pag-ibig ni Celia. Dahil sa kalungkutan, natutong magsulat ng tula ang makata. Inihahandog niya ang tulang ito kay Celia, na ang sagisag ay M.A.R.

3. Kabanata 2

Sa Babasa Nito Nagpapasalamat ang makata sa mga babasa ng kanyang awit. Ang kanyang akda ay parang bubot na prutas sa unang tingin ngunit masarap kapag ninamnam. Hinihiling ng makata na huwag babaguhin ang kanyang berso at pakasuriin muna ito bago pintasan. Kung may bahaging di malinawan, iminumungkahi niyang tumingin lamang ang mambabasa sa ibaba ng pahina at may paliwanag doon. Ipinakiusap din niya na huwag babaguhina ng mga salita sapagkat sa halip na mapabuti ay baka sumama pa ang akda.

4. Kabanata 3

Tagpuan Nagsisimula ang awit sa isang madilim at mapanglaw na gubat na di halos mapasok ng sikat ng araw. Madawag ang gubat at maraming puno ng higera at sipres. Maraming hayop dito, tulad ng ahas, basilisko, hyena, tigre at leon. Sa isang punong higera sa gitna ng gubat, naktali ang paa, kamay at leeg ng isang guwapong binata, na may makinis na balat at kulay gintong buhok. Sayang walang mga nimpa sa gubat na makapagliligtas sa binata.

5. Kabanata 4

Ang Reynong Albanya Umiiyak ang binatang nakagapos. Sinabi niyang naghahari ang kasamaan sa kahariang Albanya. Bawal magsabi ng totoo, may parusa itong kamatayan. Kagagawan ni Konde Adolfo ang lahat, sapagkat ibig nitong mapasakanya ang kapangyarihan ni Haring Linseo at ang kayamanan ni Duke Briseo na ama ng nakagapos.

6. Kabanata 5

Pighati ng Nagmamahal Nakikiusap ang binatang nakagapos na ibagsak ng kalangitan ang poot nito at parusahan ang masasama. Alam niyang lahat ng nangyayari ay sa ikabubuti ng lahat kaya’t nakahanda siyang magdusa. Ang tanging hiling niya ay sana, maalaala siya ng minamahal na si Laura. Kung naiisip niyang iniiyakan ni Laura ang kanyang pagkamatay, para na rin siyang nagkaroon ng buhay na walng hanggan. Ngunit ang labis na ipinaghihirap ng kanyang loob ay ang hinalang baka naagaw na ng kanyang karibal na si Adolfo ang pagmamahal ni Laura.

7. Kabanata 6

Magandang Alaala Larawan ng kalungkutan at pagseselos ang binatang nakagapos. Isinigaw niya sa buong kagubatan ang kanyang sama ng loob dahil tila nalimot na siya ni Laura, ngayon pa namang kailangan niya ito. Noon, kapag patungo sa digmaan, ang binata ay pinababaunan ni Laura ng luha at ng bandang may letrang L at mahahalagang bato. Pagkagaling sa labanan, munting galos ng binata ay huhugasan agad ni Laura ng luha. At kung nalulungkot ang binata pinipilit siyang aliwin ni Laura.

8. Ibig ng binatang nakagapos na muling ipakita ni Laura ang dating pag- aalaala sa kanya. Ngunit natatakot ang lalaki na baka naagaw na ni Adolfo so Laura. Kaya’t nasabi niyang pasasalamatan pa niya si Adolfo pahirapan man siya nang husto, huwag lamang agawin si Laura. Lumuha ng lumuha ang lalaki hanggang sa siya’y mapayukayok.

9. Kabanata 7

Kapangyarihan ng Pag-ibig Nagkataong dumating sa gubat ang isang mandirigma o gerero na sa pananamit ay masasabing isang Morong taga-Persiya. Naupo ito sa lilim ng isang puno at lumuluhang naghimutok. Nagbanta siya na sino mang umagaw sa pagmamahal ng babae ay papatayin niya, maliban sa kanyang ama. Naihimutok ng gererong Moro na sadyang napakalaki ng kapangyarihan ng pag-ibig. Kahit mag-aama’y nag-aaway nang dahil sa pag-ibig.

10. Kabanata 8

Duke Briseo: Amang Mapagmahal Nang huminto sa paghihimutok ang gerero, nagulat pa ito sa sumalit na buntung hininga ng lalaking nakagapos. Moo’y ginugunita ng nakagapos ang amang mapagmahal na ipinapatay ni Adolfo. Pinaghiwa-hiwalay ang ulo, katawan at mga kamay ng kanyang ama at walang nakapangahas na ito’y ilibing. Ngunit hanggang sa huling sandali, tanging kapakanan ng kaisa-isang anak ang nasa isip ng ama.

11. Kabanata 9

Amang di dapat pamarisan Naalaala rin ng gerero ang sariling ama na kaiba sa ama ng lalaking nakagapos ay di nagpakita ng pagmamahal sa anak minsan man. Ang lalong masakit, ang kanyang ama pa ang umagaw sa babaing kanyang pinakamamahal. Maagang naulila sa ina ang gerero kaya’t di siya nakatikim ng pagmamahal ng magulang. Naputol ang iniisip ng gerero nang marinig sa nakagapos na malibing man ito ay patuloy pa ring mamahalin si Laura.

12. Kabanata 10

 Panganib na Nakaamba Dalawang leon ang papalapit sa nakagapos ngunit parang naaawang napahinto ang mga ito sa harap ng lalaki. Sa harap ng nagbabantang kamatayan sa pangil ng mga leon, nagpaalam ang binata sa bayang Albanya na pinaghandugan ng kanyang paglilingkod at kay Laura. Sinabi ng binata na ang lalong ipinaghihirap ng kanyang loob ay ang pangyayaring haharapin niya ang kamatayan nang di angkin ang pag-ibig ni Laura.

13. Kabanata 11

Ang Tagapagligtas Hindi na natiis ng gerero ang naririnig na daing. Kaya’t hinanap niya ang pinanggagalingan ng tinig. Pinagputol-putol ng gerero ang mga dawag hanggang marating ang kinaroroonan ng nakagapos. Anyong sisilain na ng dalawang leon ang binata na sa tindi ng hirap ay nawalan ng malay. Pinagtataga ng gerero ang dalawang leon hanggang sa mapatay. Pagkatapos kinalagan nito at kinalong ang binata.

14. Kabanata 12

Atas ng Langit Nang matauhan ang binata, si Laura agad ang unang hinanap. Nagulat pa ito nang mamalayang nasa kandungan siya, hindi ni Laura, kundi ng isang Moro. Ipinaliwanag ng gerero na di niya natiis na di tulungan ang binata, sapagkat magkaiba man sila ng pananampalataya, nakaukit din sakanyang puso ang pagtulong sa kapwa, gaya ng iniuutos ng Langit ng mga Kristiyano. Sa halip na magpasalamat, isinagot ng binata na higit pang ibig niyang mamatay sa laki ng hirap na dinaranas. Sa narinig na ito, napasigaw ang gerero.

15. Kabanata 13

Mga Mapagpalangkamay Walang kibuan ang dalawa hanggang sa lumubog ang araw. Dinala ng gerero ang binata sa isang isang malapad at malinis na bato. Dito pinakain ng Moro ang binata na di nagtagal ay nakatulog sa kanyang kandungan. Magdamag na binantayan ng gerero ang binata, na tuwing magigising ay naghihimutok. Nang magising kinaumagahan, nakapagpanibagong lakas na ang binata. Itinanong ng Moro ang dahilan ng paghihirap ng loob nito.

16. Kabanata 14

Bugtong na Anak Isinalaysay ng binata ang kanyang buhay. Siya’y si Florante, nag- iisang anak ni Duke Briseo ng Albanya, at ni Prinsesa Floresca ng Krotona. Sa Albanya siya lumaki at nagkaisip. Ang kanyang ama’y tanungan o sanggunian ni Haring Linseo at tumatayong pangalawang puno sa kaharian. Isang matapang na pinuno at mapagmahal na ama si Duke Briseo.

17. May ilang mahalagang pangyayari noong bata pa si Florante. Nang sanggol pa’y muntik na siyang madagit ng isang buwitre ngunit nailigtas siya ng pinsang si Menalipo. Isang araw, isang ibong arkon ang biglang pumasok sa salas at dinagit ang kanyang dyamanteng kupido sa dibdib. Nang siya’y siyam na taon na, pinalili[pas niya ang maghapon sa pamamasyal sa burol. Bata pa’y natuto na siyang mamana ng mga ibon at iba pang hayop. Naging mapagmahal siya sa kalikasan.

18. Kabanata 15

Laki sa Layaw Lumaki sa galak si Florante. Ngunit ngayon niya naisip na di dapat palakhin sa layaw ang bata sapagkat sa mundong ito’y higit ang hirap kaysa sarap. Ang batang nasanay sa ginhawa ay maramdamin at di makatatagal sa hirap. Alam ito ni Duke Briseo. Kaya’t tiniis nito ang luha ng asawa at masakit man sa loob na mawalay sa anak, ipinadla siya ng ama sa Atenas upang doon mag-aral.

19. Kabanata 16

Nahubdan ng Balatkayo Labing-isang taong gulang si Florante nang ipadala sa Atenas upang mag-aral. Ang naging guro niya rito ay si Antenor. Isa sa mga estudyante rito ay ang kababayang si Adolfo, na nang una ay nadama na si Florante na tila pakunwari lamang ang kabaitan ni Adolfo. Anim na taon sa Atenas si Florante. Sa loob ng panahong ito, natuto siya ng pilosopiya, astrolohiya at matematika.

20. Kabanata 17

Nalulumbay na Puso Nanguna si Florante sa katalinuhan at dinaig niya maging si Adolfo. Napabalita ang una sa buong Atenas. Dito na lumabas ang tunay na pagkatao ni Adolfo. Sa isang dulang ginampanan nina kapwa ni Florante, pinagtangkaan nitong patayin ang huli. Salamat at nailigtas siya ng kaibigang si Menandro. Kinabukasan din, umuwi sa Albanya si Adolfo.

21. Naiwan sa Atenas si Florante at nagtagal doon nang isang taon pa. isang araw, tumanggap ng liham si Florante mula sa ama. Sinasabi sa sulat na namatay ang kanyang ina. Nawalan ng malay si Florante sa tindi ng kalungkutan. Hindi nakabawas sa kanyang kalungkutan ang tapat na pakikiramay ng guro at mga kamag-aral. .

22. Kabanata 18

Paalam, Bayan ng Atenas Pagkaraan ng dalawang buwan ng matinding kalungkutan para kay Florante dumating ang ikalawang sulat ng kanyang ama, kasama ang sasakyang sumundo sa kanya. Bago umalis pinagbilinan si Florante ng gurong si Antenor na pakaingatan ng una si Adolfo sapagkat tiyak itong maghihiganti. Idinagdag pang huwag padadala si Florante sa magiliw na pakikiharap. Pinayuhan siyang lihim na maghanda nang hindi nagpapahalata. Pinayagan ni Antenor si Menandro na sumama kay Florante. Ang magkaibigan ay inihatid ng kanilang mga kamag-aral hanggang sa daungan.

23. Kabanata 19

Sa Bayan ng Crotona Di nagtagal nakarating sa Albanya ang magkaibigan. Pagkakita sa ama, napaluha si Florante nang muling manariwa ang sakit ng loob sa pagkamatay ng ina. Noon dumating ang sugo ni Haring Linseo, dala ang sulat ng Hari ng Crotona na humihingi ng tulong sapagkat nilusob ang Krotona ni Heneral Osmalikng Persiya. Pangalawa ito ng bantog na si Prinsipe Aladin na hinahangaan ni Florante at ayon sa balita’y kilabot sa buong mundo. Sa narinig, napangiti ang Moro at nagsabing bihirang magkatotoo ang mga balita at karaniwang may dagdag na. Nagtungo sa palasyo ng Albanya ang mag-ama. Doon masakit man sa loob, pumayag din ang ama ni Florante nang ito’y hirangin ng hari na heneral ng hukbo.

24. Kabanata 20

Kagandahang Walang Kawangis Nakilala ni Florante ang anak ng hari na si Laura, isang dalagangkaagaw ni Venus sa kagandahan, isang kagandahang mahirap isiping makapagtataksil. Sa harap ng kagandahan ni Laura, laging nagkakamali ng sasabihin si Florante sapagkat natatakot siyang baka di maging marapat sa dalaga.

25. Kabanata 21
Pangarap na Pagibig Tatlong araw ang piging ng hari para kay Florante. Sa loob ng panahong ito ay di man lamang nakausap ni Florante nang sarilinan si Laura. Sa kabutihang-palad, isang araw bago umalis sina Florante upang makidigma, nakausap nito ang dalaga at pinagtapatan ng pag-ibig. Hindi sumagot ng ‘oo” ang dalaga ngunit lumuha siya nang umalis si Florante patungong digmaan.

26. Kabanata 22

Tagumpay at Pighati Dahil sa luhang pabaon ni Laura, natiis ni Florante ang kalungkutang bunga ng pagkawalay sa minamahal. Pagdating sa digmaan, naabutan ng hukbo nina Florante na halos mawasak na ang kaaway ang kuta ng Krotona. Ngunit magiting na nagtanggol si Florante at ang kanyang mga kawal hanggang sa hamunin ni Osmalik si Florante na silang dalawa ang magharap. Limang oras silang naglaban hanggang sa mapatay ni Florante si Osmalik. Ipinagbunyi ng taong-bayan si Florante lalo nang malamang ito’y apo ng hari ng Krotona. Ngunit nahaluan ng lungkot ang kanilang kagalakan nang magkita ang maglolo. Muling nanariwa ang kirot ng pagkamatay ng ina ni Florante. Dito naisip ni Florante na walang lubos na ligaya sa mundo. Pagkaraan ng limang buwan sa Krotona, nagpilit nang bumalik sa Albanya si Florante upang makita si Laura. Ngunit nang malapit na at natatanaw na ang moog ng Albanya, biglang kinutuban si Florante.

27. Kabanata 23
Pag-ibig na Pilit Hindi nagkamali ang kutob ni Florante. Nakawagayway sa Albanya ang bandilang Moro. Pinatigil muna ni Florante ang kanyang hukbo sa paanan ng bundok. Mula roon natanaw nilang tila pupugutan ng ulo ang isang babae. Dali-daling lumusob sina Florante at ginapi ang mga Moro. Naligtas ang babae na walng iba kundi si Laura. Papupugutan ng ulo ang dalaga sapagkat tinanggihan nito ang pag-ibig ng emir at ito’y sinampal pa. noon binigkas ni Laura ang “sintang Florante.” Pinawalan ni Florante ang hari, ang kaniyang ama at ang iba pang bilanggong kinabibilangan ni Adolfo. Lalong nainggit si Adolfo kay Florante hindi lamang dahil sa papuring tinanggap kundi dahil nakamit pa niya ang pag-ibig ni Laura. Dahil dito, muling nagbalak si Adolfo na ipahamak si Florante.

28. Kabanata 24
Patibong ng Taksil Pagkalipas ng ilang buwan, lumusob ang hukbo ng Turkiya sa pamumuno ni Miramolin. Ngunit tinalo si Florante si Miramolin. Naging sunod-sunod ang tagumpay ni Florante hanggang sa umabot sa 17 ang mga haring nagsigalang sa kanya. Isang araw, nasa Etolya si Florante at ang kanyang hukbo nang dumating ang sulat ng hari na nagpapauwi sa kanya. Iniwan niya ang hukbo kay Menandro. Ngunit pagdating sa Albanya, nilusob siya ng 30,000 sandatahan at noon di’y ibinilanggo. Noon niya nalamang ipinapatay ni Adolfo si Haring Linseo at ang kanyang amang si Duke Briseo. Si Laura nama’y nakatakdang ikasal kay Adolfo. Labingwalong araw na ipiniit si Florante. Pagkaraan, itinali siya sa gubat na kinatagpuan sa kanya ng gererong Moro.

29. Kabanata 25

Ang Hinagpis ng Girero Nang matapos magsalaysay si Florante, nagpakilala ang Moro. Siya si Aladin mula sa Persiya na anak ni Sultan Ali-Adab. Sinabi ni Aladin na yamang kapwa sila sawi ni Florante, mamuhay na silang magkasama sa gubat. Noon isinalaysay ni Aladin ang kanyang pinagdaanang buhay. Ikinuwento niya ang pakana ng sarili niyang ama upang maagaw sa kanya si Flerida. Ipinapakulong siya nito sa bintang na iniwan niya ang hukbo sa Albanya kahit wala pang utos ng sultan. At nang mabawi ni Florante ang Albanya, hinatulang pugutan ng ulosi Aladin. Pinatawad siya sa kondisyong aalis siya sa Persiya noon din. Bagama’t nakaligtas sa kamatayan, higit pang ibig ni Aladin na mamatay kaysa maagaw ng iba ang pagmamahal ni Flerida.

30. Kabanata 26

Mga Tinig ng Pag-ibig Natigil sa pag-uusap ang dalawa nang marinig ang dalawang babaing nag-uusap. Ayon sa isa, nang malaman niyang papupugutan ng ulo ang kanyang minamahal, nagmakaawa siya sa sultan. Pumayag ang sultan na patawarin ang nobyo ng babae, kung papayag itong pakasal sa sultan. Walang nagawa ang babae kundi ang sumang-ayon. Ngunit nakaalis ang kanyang nobyo nang di sila nagkausap. Nang gayak na ang kanilang kasal tumakas ang babae na nakadamit- gerero. Ilang taon siyang naglagalag sa mga bundok at gubat hanggang sa mailigtas niya ang kausap. Nang biglang sumulpot sina Florante at Aladin. Sa di inaasahang pagtatagpong iyon, di masusukat ang kaligayahan ng apat na tauhan.

31. Kabanata 27

Sa Bingit ng Kamatayan Si Laura naman ang nagsalaysay. Ayon sa kanya, napapaniwala ni Adolfo na gugutumin ng hari ang taong-bayan kaya’t nagkagulo ang mga ito. Kasunod ng pagkakagulo, ipinapatay ni Adolfo ang hari at ang matatapat na alagad nito. Inagaw ni Adolfo ang pagkahari at pinilit si Laurang pakasal sa kanya. Hindi nagpapahalata ng tunay na niloloob, pumayag si Laura ngunit humingi ng limang buwang palugit upang magkapanahong mapauwi si Florante. Sa kasamaang- palad, nahulog si Florante sa pakana ni Adolfo at naipatapon. Handa nang magpakamatay si Laura nang dumating si Menandro na siyang nakatanggap ng sulat ni Laura kay Florante. Tumakas si Adolfo, tangay si Laura na pinagtangkaang abusuhin sa gubat na iyon. Siya namang pagdating ni Flerida. Pinana nito si Adolfo na namatay noon din.

32. Kabanata 28

Masayang Wakas Matapos ang pagkukuwento ni Laura, dumating si Menandro na may kasamang hukbo. Laking tuwa nito nang makita ang kaibigang si Florante. Ipinagbunyi ng hukbo ang bagong hari na si Florante. Ipinagsama nina Florante sa Albanya sina Aladin at Flerida na kapwa pumayag na maging Kristiyano. Nakasal sina Florante at Laura at sina Aladin at Flerida. Umuwi sa Persiya sina Aladin at Flerida nang mamatay si Sultan Ali-Adab. Nagpasalamat sa Diyos ang mga mamamayang nasisiyahan sa pamumuno nina Florante at Laura.

source: http://floranteatlaurasummary.blogspot.com/

Wednesday, June 6, 2018

For Direct Hire Overseas Memorandum Circular No. 08 Series of 2018 from POEA

Hello world!

I may not be the only one who is in this situation but I am very confused with this.

Last month, I inquired via e-mails and call about the requirements for direct hire but they have told me that direct hiring is banned, since last year. I sent plenty of emails to POEA during that time until I a reply last May 29, 2018 and it contains the new process for direct hire(s). Please see this email below and please visit the link and read its information.


Correct me if I'm wrong, my understanding of the said Memorandum Circular No. 08 is direct hire is now allowed as long as you follow the requirements stated. I have confirmed this already with POEA via call and emails to some of the POEA satellite offices.

So here's the problem and got me really confused, since verified contract is an important requirement. I send an inquiry via email to POLO of the country where I supposed to work and their reply is this.



So there!!!!! How come in POLO direct hiring is banned while POEA said that it is okay already?

Maybe I just don't understand the MC from POEA.

Please comment below if we have the same issue.